February 2007
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728  

About Me

loading...

snaps***

Message Board

ianne:

hey thanks for this info ’bout the cinema’s layout, sitting capacities and the like. i’vd used it in my project. thanks!

boinky:

hello.leaving footprints

Roy:

Just passing by, Come and Join Fiestang Culiat, see schedule of activities @ www.angelescity.gov.ph and lets exchange link if was possible and I gave back the favor, thank you and have a nice day!

pansay:

napadaan lang! cool blog! :)

ediqve:

fine! you’ve found it! pero yung PRIVATE entries pala, hindi mo makikita. for those na legitimate lang.ahahah! see you!

cielo:

sb ko sayo alam ko ung blog mo eh! :P

Ana:

Hi Xandy! I tagged you! I hope you can participate in this. To learn more . . . read my six of weirds blog entry. (http://qjalaramaka.multiply.com/journal)

Carmela:

blog hopping like a bunny….

Jomer Ambito:

You know dict, you are really granted with the talent to write. I wish I could be more like you in terms of expressing myself through writing.

support:

Congratulations, you’ve just completed the installation of this shoutbox.

Leave a message ▼
nomadiqve. the world is my home.

rebel?

February 27, 2007

oh, no, not me.

i was cleaning up the sent folder of my yahoo account, and look what i've found in the rubbles…

disclaimer: i was also shocked to have read this. oh well, whatever i do, the fact is i wrote this pala…

 

1. Feelings before, during, and after the community service activities.

 
    Hindi naging masaya ang pagtanggap ko sa balita tungkol sa community service. Mahigit sa sampung oras kasi ang kailangang ilaan para sa naturang aktibidad. Hindi ako maramot sa aking oras. Lalong hindi ako maramot sa pagbahagi ng mga biyayang aking natatanggap mula sa itaas. Hindi lang bukas ang aking isipan sa isang “kawanggawa” na ang basehan ay kailangan kong gawin dahil sa required ito ng paaralan. Sa aking naging karanasan noong haiskul, ginawa ko ang mga ganitong uri ng aktibidad dahil bukal iyon sa aking kalooban. Dahil gusto ko. Hindi dahil gusto nilang gawin ko. Subalit iyan ang nakatakda sa plantilya, wala akong magagawa.

Napakalungkot isipin na sa isang maliit at mainit na barangay hall kailangang ipagsikisikan ang kabataan para lang sila matulungan. Ngunit walang magagawa. Ika nga nila, saan ka pa lulugar? Mabuti ng meron kaysa sa wala. Sa kalagayan ng lugar kung saan idinaos ang pagtuturo, mahirap talagang maisaisip at maisapuso ang mga nanggagaling sa aming mga volunteers. Hindi maiiwasang ang atensyon ng mga bata ay maglayag sa isang dipang langit. Subalit sa hirap ng sitwasyon, kailangan naming itong suuungin. Kailangan naming gampanan ang aming misyon. Nagpatuloy ang pagturo kahit na sa halos limampung batang nagsisiksikan eh, wala pa sa sampu ang matiyagang nakikinig. Kahabag-habag ang kalagayan ng mga bata. Kung kaming mga La Salista ay halos hindi makagalaw sa lamig ng mga silid-aralan, hayun ang mga bata hindi makakilos dahil tiyak sandamakmak na pawis ang maglalabasan sa kanilang mga maninipis na balat.

Hindi ko maiwasang mahabag sa mga bata. Mahabag hindi dahil sa kalagayan nila. Ang aking habag ay nanggaling sa ideyang nagsinungaling ako sa kanila. Sabi nga ng isang batang nasa aking kanlungan (bago kami umalis ng barangay hall), “Alam ko di na kayo babalik. Kagaya kayo ng ibang ate at kuya, palaging babay ng babay.” Doon ako napahinto. Gusto ko siyang yakapin at gusto kong humingi ng patawad. Pasensya dahil biktima kayo ng isang sistemang nagsasadlak sa kalagayan niyo ngayon. Pasensya dahil biktima ko kayo sa aking pagsisinungaling. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ang mga pumupunta rito ay bahagi lang ng isang pagtatanghal. Lahat ng mga pumupunta at hindi na bumabalik ay (tiyak) mga aktor na siguro ay napilitan lang magtanghal—dahil kailangan—dahil may nagsabi. Isa na ako roon. Biktima rin ako ng isang sistemang nagsasabi sa aking magtanghal ka. 

 

2. How do the community service help achieve the objective of the course—Christian Morality?

 Gaya ng aking pinanindigan kanina, ang community service na ito ay isa lamang pagtatanghal. Sa madaling salita, wala itong naibahagi upang maabot ang objectives ng kursong Christian Morality. Kung meron man, ayaw ko nang alamin at banggitin pa. Wala lang saysay.

Paano ko masasabi na makatutulong ito upang mamuhay ako ng isang MORAL na Kristiyano kung ang aking ginawa ay isang pagtatanghal at hindi katotohanan? Paano ako makapamumuhay kung isa sa aking natutunan ay pagsuot ng maskara?

 

3. What realizations or significant personal learning did you gain from the community service? Include your personal reflections/insights.

 

Malaki na ang sugat ng kahirapang nadarama ultimo ng mga musmos pa lamang. Sa nipis ng kanilang balat, siguradong sagad sa buto ang hapdi ng mga sugat—mga sugat mula sa kagat ng karukhaan. Wala sinuman sa mga bata ang dapat magdusa sa hirap ng buhay dahil sa kaparayaan ng iilan.

Doon sa mga tutulong, isang hamon ang nais kong iiwan. Huwag sana natin (o ninyong) ihatid ang isa lamang pagtatangghal. Huwag sana tayong maging hamak na aktor lamang mula sa pinilakang tabing. Ang buhay ng mga batang ito ay isa ng malaking drama. Huwag na natin pang dagdagan.

        Simple lang ang hiling ng mga batang ito mula sa atin. Gamutin natin sila. Huwag na nating palawigin ang kamangmangang                 lumalamon sa sana’y mga pag-asa ng bayan.

 
4. What ethical-moral issues can you relate to the present social conditions of the people you served?

 
Kung sana ang mga taong nasa kinauukulan ay hindi naging pabaya sa paggasta ng pondo ng bayan…
Kung sana nagkaroon ng matibay na kolaborasyon sa pagitan ng simbahan at ng pamahalaan… 
Kung sana alam ng mga magulang ang responsibilidad nila bilang mga tagapangalaga ng mga anak ng Diyos… 
Kung sana naisulong ang kapakanan ng mga walang muwang…
Kung sana naging mapagmatiyag ang publiko sa gawain ng pamahalaan…
Kung sana hindi naging makasarili ang lahat…

 …wala sanang batang naghihikahos…

…wala sanang mga batang nagtitiis sa init ng lapag…

…wala sanang mga batang aasa sa tulong ng mga nagtatanghal lamang…

 …wala sanang kahirapan…

Posted by ediqve at 2:15 am | permalink

Previous Comments

You know what, Whenever I see children like these, naawa lagi ako. Pero what’s really sad about that is I feel I could not do something for them. Un lang naaawa lang ako pero wala rin naman akong magawa. Maybe, the reason why I feel so sad is not the fact that children are suffering, but because I’m not doing anything.

It’s really good to see these kinds of articles because it’s really inpiring. I really do hope people will get to read this.

Posted by Jomer Ambito at March 8, 2007, 8:56 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment